Promoted na si Police Major General Bernard Banac, bilang Police Lieutenant General ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang kinumpirma, ngayong hapon (November 7) ni Executive Secretary Lucas Bersamin, makaraang pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang appointment paper ng heneral.
Ang liham na naga-apruba ng promotion ng heneral ay ipinadala sa tanggapan ni DILG Secretary Jonvic Remulla at mayroong petsang November 4, 2024.
Kung matatandaan, si Banac ay una nang nagsilbi bilang tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), at Director Special Action Force. | ulat ni Racquel Bayan