Nagpadala pa ng karagdagang tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga lalawigan sa Northern Luzon na sinalanta ng nagdaang Bagyong #MarcePH.
Ilang trucks ng Red Cross na naglalaman ng sleeping kits at essential relief items ang umalis na patungo sa Luzon partikular sa lalawigan ng Cagayan.
Inaasahang darating sa lalawigan ngayong araw ang convoy ng PRC trucks.
Nanatili naman sa mga apektadong lugar ang mga staff at red cross volunteers para umasiste sa mga mamamayan.
Nagsasagawa rin ang mga ito ng assessment sa sitwasyon at nagrerekomenda para sa kinakailangang tulong.
Paalala naman ni PRC Chairman Richard Gordon sa publiko na parating alerto at handa lalupa’t may mga bagyo pa ang darating bago matapos ang taon.| ulat ni Rey Ferrer