Nananatiling pasok sa target ang naitalang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre.
Ito ang binigyang diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) makaraang i-ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 2.3% na headline inflation sa nabanggit na buwan.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, patuloy ang kanilag pangako na patatagin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo upang protektahan ang mga Pilipino mula sa hindi inaasahang pagsipa nito.
Dagdag pa ng Kalihim, naging hamon sa presyo at suplay ng pagkain ang nagdaang bagyong Kristine subalit hindi tumigil ang Pamahalaan na panatilihin ang sapat na suplay at matatag na presyo ng pagkain at iba pang produkto.
Kaya naman sinabi ni Balisacan na nais nilang magpatuloy ito lalo’t nagbabanta ang panibagong bagyong Marce sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala