RDRRMC-8, nagpadala ng advance composite teams sa Northern at Eastern Samar sa gitna ng banta ng bagyong Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang advance composite team na mula sa mga ahensiya na kasapi ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council – VIII (RDRRMC 8) ang dineploy ngayon sa Bayan ng Oras, Eastern Samar at Catarman, Northern Samar sa gitna ng banta ng bagyong may international name na “Man-yi” na tatawaging Pepito pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Layunin nito na masiguro na maayos ang daloy ng komunikasyon ng local government units (LGUs) at ng RDRRMC/NDRRMC para sa agarang responde ng gobyerno.

Ang composite teams ay mananatili sa Oras at Catarman, mga bayan na bahain kung malakas ang ulan.

Ayon sa PAGASA, patuloy na lalakas ang bagyo habang nasa dagat at posibleng mahagip nito ang Bicol Region at Eastern Visayas sa darating na Sabado. | ulat ni Ma. Daisy Amor Lalosa-Belizar, Radyo Pilipinas Borongan

📸 Wil Amazona

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us