Nananatling naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) para sa patuloy nilang pagtugon sa mga lugar na matinding napinsala ng Super Bagyong Pepito.
Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, puspusan ang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) para tiyaking ligtas ang publiko.
Una nang ipinakalat ng PNP ang nasa 4,894 nilang mga tauhan para sa mga ikinasang pre-emptive evacuation habang mayroon pang 8,065 magsisilbing Reactionary Standby Support Force (RSSF) sa mga lugar na matinding naapektuhan ng Super Bagyo.
Kasunod nito, kinilala ni Marbil ang sakripisyo ng mga Pulis sa panahon ng kalamidad, kaya pinaalalahanan niya ang mga ito na manatiling ligtas upang patuloy na makatulong sa mga kababayang higit na nangangailangan. | ulat ni Jaymark Dagala