Simultaneous Christmas tree lighting event, isinagawa sa Lungsod ng Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ng City Government of Manila kasama si Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo Nieto, City Administrator Bernie Ang, at mga konsehal sa Maynila ang isang Christmas Tree Lighting Event sa Kartilya ng Katipunan kasama ang iba pang lugar sa lungsod.

Kasabay ng event sa Kartilya, isinagawa ang simultaneous lighting ng mga Christmas decorations sa iba’t ibang iconic landmarks sa Maynila tulad ng Pasig River Esplanade, Rizal Park, Intramuros, Bangko Sentral ng Pilipinas, National Museum, at Metropolitan Theater.

Kasabay din nito ang pagbubukas ng isang Christmas Food and Shop Bazaar, kung saan matatagpuan ang iba’t ibang pagkain at mga panregalo para sa Pasko. Magtatagal naman ang nasabing bazaar hanggang Enero 4 at bukas araw-araw maliban sa Bisperas ng Pasko at Bagong Taon.

Ibinida naman ni Mayor Lacuna ang umpisa ng pamamahagi ng Manila LGU ng mga family Christmas boxes sa anim na distrito nito. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us