Nag-alok na ng calamity loan ang Social Security System sa mga miyembro nito na naapektuhan ng bagyong Kristine, Marce, Nika, Ofel at Pepito.
Ayon kay SSS Officer-in-Charge Voltaire Agas, maaari nang mag-avail ng loan ang mga miyembro hanggang Disyembre 19,2024.
Maaari silang makakuha ng pautang na katumbas ng isang buwang sahod o hanggang P20,000.
Makaka-avail ng calamity loan ang mga miyembro sa mga lugar na idineklara nang state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Bukod dito, ang mga miyembro sa iba pang lugar na malapit nang ideklarang state of calamity ay makaka-avail din ng tulong pinansyal.
Dagdag pa ni Agas na ang mga miyembrong apektado ng tropical cyclone ay maaari ding mag-avail ng SSS salary loan. | ulat ni Rey Ferrer