Isang 5.7 magnitude na lindol ang tumama sa bahagi ng Tarlac City, sa Tarlac kaninang 5.58 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa layong 3km hilagang silangan ng naturang bayan.
Tectonic ang origin nito at may lalim na 199km sa lupa.
Dahil sa lindol, naitaa ang Instrumental Intensities:
Intensity III- Bani, PANGASINAN;
Intensity II- Santa Ignacia and Ramos, TARLAC; CITY OF DAGUPAN; Masinloc and Botolan, ZAMBALES; CITY OF OLONGAPO; Bontoc, MOUNTAIN PROVINCE; City of Vigan, ILOCOS SUR
Intensity I- City of Tarlac and Bamban, TARLAC; Guagua, PAMPANGA; Abucay and Dinalupihan, BATAAN; City of Urdaneta, PANGASINAN; Nampicuan, NUEVA ECIJA; Santol, LA UNION; Bustos, BULACAN; Pasuquin, ILOCOS NORTE;
CITY OF NAVOTAS
Walang inaasahang pinsala kasunod ng lindol bagamat posible ang aftershocks. | ulat ni Merry Ann Bastasa