Ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga magbabayad ng buwis partikular sa mga may transaksyon kaugnay ng real property tax.
Mananatiling bukas ngayong araw ng Sabado, Nobyembre 23, ang Manila City Treasurer’s Office mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon para sa mga nais magsagawa ng pagbabayad kaugnay ng nasabing buwis.
Hinihikayat naman ng Manila LGU ang mga taxpayer na samantalahin ang 20% diskwento para sa advance payment ng buwis para sa taong 2025. Ang alok na ito ay bukas lamang hanggang sa Disyembre 10, 2024.
Bukod sa personal na pagbabayad sa Manila City Hall, maaari ring magbayad online gamit ang Go Manila app o bisitahin ang www.gomanila.com. | ulat ni EJ Lazaro