Senado, tiniyak na mapopondohan ang mga priority projects ng administrasyon

Suportado ni Senador JV Ejercito ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang prayoridad ang pagpopondo sa mga pangunahing proyekto na mahalaga para sa social at economic transformation ng Pilipinas. Ayon kay Ejercito, sa bahagi ng Senado ay tiniyak nilang ang mga foreign-assisted priority projects gaya ng railway projects ay nabigyan nila ng… Continue reading Senado, tiniyak na mapopondohan ang mga priority projects ng administrasyon

LRA at SSS, nangunguna sa top 10 Most Complained Government Agency ngayong 2024, ayon sa ARTA

Ibinunyag ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na nangunguna ang Land Registration Authority (LRA) at Social Security System (SSS) sa sampung ahensya ng pamahalaan na may pinakamaraming reklamo mula sa mamamayan. Ayon ito sa year-end report na inilabas ng ARTA para ngayong 2024. Sinabi ni ARTA Secretary Ernesto Perez, kabilang sa mga reklamo sa LRA ay… Continue reading LRA at SSS, nangunguna sa top 10 Most Complained Government Agency ngayong 2024, ayon sa ARTA

Pangulong Ferdinand Marcos Jr., namahagi ng Christmas gift sa Manila Boystown sa Marikina City, binigyang halaga ang resilience ng mga Pilipino sa gitna ng pagsubok at maramdaman ang diwa ng Pasko.

Pinagungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang gift giving activity ngayong Lunes ng umaga, sa Manila Boystown Facility, sa lungsod ng Marikina. Kabilang sa mga binigyan ng Christmas gift ang mga mag-aaral ng Boystown at elders ng home for the aged, na kasalukuyang naninirahan sa pasilidad. Mensahe ng Pangulo sa mga magaaral ng Valeriano Fugoso… Continue reading Pangulong Ferdinand Marcos Jr., namahagi ng Christmas gift sa Manila Boystown sa Marikina City, binigyang halaga ang resilience ng mga Pilipino sa gitna ng pagsubok at maramdaman ang diwa ng Pasko.

Isang transport coop, aapela sa LTFRB para maihabol sa consolidation ang iba pang jeepney operator

Makikipagpulong sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang transport cooperative kaugnay sa PUV Transport Modernization. Pakikiusapan ni Alma Venoya, Presidente at Chief Executive Officer ng Shunammite Transport Cooperative, si LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na bigyan ng konsiderasyon ang mga operator na kumalas sa PISTON at MANIBELA Jeepney Transport Group, na gusto… Continue reading Isang transport coop, aapela sa LTFRB para maihabol sa consolidation ang iba pang jeepney operator

Magkakaibang detalye sa testimonya ng umano’y Pharmally Queen na si Rose Nono Lin, pinuna sa Quad Comm hearing

Pinuna ni Quezon City Representative PM Vargas ang aniya’y pagsisinungaling sa Quad Committee ng tinaguriang Pharmally Queen na si Rose Nono Lin. Tinukoy ni Vargas ang mga hindi magkakatugmang pahayag ni Lin nang humarap ito sa komite, at maging nang siya ay humarap noon sa Senado. Isa na rito ang kaniyang pahayag under oath na… Continue reading Magkakaibang detalye sa testimonya ng umano’y Pharmally Queen na si Rose Nono Lin, pinuna sa Quad Comm hearing

Pamahalaan, tuloy sa pagpapalakas ng loob ng mga mangingisda na pumalaot sa WPS

Hindi tumitigil ang pamahalaan sa pagtugon sa iba’t ibang concern ng mga mangingisdang Pilipino, partikular na iyong mga nangingisda sa West Philippine Sea (WPS). Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, na sa katatapos lamang na Palawan Fisherfolk Congress, pinakinggan ng gobyerno ang hinaing ng 170 mangingisda.… Continue reading Pamahalaan, tuloy sa pagpapalakas ng loob ng mga mangingisda na pumalaot sa WPS

Mga pensioner na naka iskedyul ngayong Disyembre, pinagsusumite na ng ACOP Compliance ng SSS

Pinagsusumite na ng Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) compliance ang mga pensioner na naka iskedyul para sa buwan ng Disyembre 2024. Sa abiso ng Social Security System (SSS), maaari nang isumite ang kanilang ACOP Compliance bago matapos ang buwan. Ito ay upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng kanilang monthly pension. Paalala ng SSS,… Continue reading Mga pensioner na naka iskedyul ngayong Disyembre, pinagsusumite na ng ACOP Compliance ng SSS

Regular na konsultasyon sa mga isyu ng riders, isinusulong

Pursigido ang Angkas, na pinakamalaking motorcycle taxi group sa bansa at AngKasangga Party-list na maisulong ang regular na pagsasagawa ng mga konsultasyon, para sa mga isyung may kinalaman sa rider at operasyon ng moto taxi. Kasama ito sa tinalakay sa isang consultative meeting na nilahukan ng grupo kasama ang daan-daang riders, riders’ groups, at mga… Continue reading Regular na konsultasyon sa mga isyu ng riders, isinusulong

MOU ng PH at UAE sa energy sector, malaki ang magiging ambag sa bansa — Sec. Lotilla

Positibo si Energy Secretary Raphael Lotilla na malaki ang maiaambag ng naging Memorandum of Understanding (MOU) ng ating bansa sa United Arab Emirates (UAE) para sa pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa sa sektor ng enerhiya. Aniya, isang malaking kapakinabangan ito lalo na’t isa ang naturang bansa sa may pinakamalaking pinagkukunan ng enerhiya sa buong… Continue reading MOU ng PH at UAE sa energy sector, malaki ang magiging ambag sa bansa — Sec. Lotilla

Automated Counting Machine Roadshow sa Pangasinan, sinimulan na ng COMELEC ngayong araw

Sinimulan ang kaganapan sa pamamagitan ng isang kick-off na pinangunahan nina Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza at Dagupan City Election Officer Atty. Michael Franks Sarmiento. Nabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng Media na personal na masubukan ang makinarya. Ipinakita rin ang iba’t ibang senaryo na maaaring maranasan sa gitna… Continue reading Automated Counting Machine Roadshow sa Pangasinan, sinimulan na ng COMELEC ngayong araw