DOLE, tuloy-tuloy sa pagsasagawa ng mga Job Fair para sa mga naapektuhan ng pagpapasara ng POGO

Tiniyak ng Department of Labor and Employment na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagbibigay ng trabaho sa mga manggagawa na naapektuhan ng pagsasara ng mga Philippine Offshore Gaming Operations sa bansa. Ayon kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, hindi sila tumitigil sa pagsasagawa ng mga Jobs Fair para tulungan ang mga naapektuhan ng crackdown ng mga POGO… Continue reading DOLE, tuloy-tuloy sa pagsasagawa ng mga Job Fair para sa mga naapektuhan ng pagpapasara ng POGO

PNP, may paalala sa mga pribadong Security Agencies para sa seguridad ng publiko ngayong holiday season

Pinaalalahanan ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ang mga pribadong security agency at personnel na tumulong sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa kani-kanilang nasasakupan. Ito’y kasunod na rin ng inaasahang pagdagsa ng publiko na magsisipagbakasyon ngayong holiday season. Ayon sa PNP-SOSIA, magsisilbing force multipliers ang mga private security personnel na nakatutok… Continue reading PNP, may paalala sa mga pribadong Security Agencies para sa seguridad ng publiko ngayong holiday season

Pagtataguyod sa karapatang pantao, nananatiling prayoridad ng AFP

Nananatili ang pangako ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsusulong ng karapatang pantao sa lahat ng misyon at operasyong gagawin nito. Iyan ang binigyang diin ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ngayong araw kasabay ng paggunita sa National Human Rights Consciousness Week. Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Brawner na… Continue reading Pagtataguyod sa karapatang pantao, nananatiling prayoridad ng AFP

Suporta ng mga kapwa mambabatas sa panukalang Private Basic Education Voucher Program, ipinagpasalamat

Ikinalugod ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo ang mabilis na pag-apruba ng House Committee on Appropriations sa panukalang Private Basic Education Voucher Program. Layon nitong amyendahan ang E-GATSPE Law upang mabigyan din ng vouchers ang mga mag-aaral sa kindergarten, elementarya, at sekondarya sa mga private basic education schools. Ayon kay Salo na isa sa pangunahing… Continue reading Suporta ng mga kapwa mambabatas sa panukalang Private Basic Education Voucher Program, ipinagpasalamat

Mga rice retailer sa Pasig City Mega Market, hati ang opinyon sa pagbababa sa mga palengke ng murang bigas na ibinebenta sa KADIWA

Hati ang pananaw ng ilang mga nagtitinda ng bigas sa Pasig City Mega Market sa plano ng Department of Agriculture (DA) na ibaba sa mga palengke ang ₱42 na murang bigas na ibinebenta sa KADIWA. Ayon sa ilang mga nagtitinda, bagaman nauna na silang magbenta ng ₱42 na murang bigas, may agam-agam pa rin sila… Continue reading Mga rice retailer sa Pasig City Mega Market, hati ang opinyon sa pagbababa sa mga palengke ng murang bigas na ibinebenta sa KADIWA

PNP, iginiit na walang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad sa kabila ng ingay politika

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling normal ang sitwasyon at walang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad. Ito’y ayon sa PNP sa kabila ng kaliwa’t kanang ingay politikang bumabalot ngayon sa bansa sa kasalukuyan. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, patuloy ang pangangalap nila ng impormasyon sa… Continue reading PNP, iginiit na walang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad sa kabila ng ingay politika

NBI, pinakikilos ng Quad Comm chair para habulin ang mga vloggers na pinondohan ng POGO at drug money

Hiniling ni Quad Committee overall chair Robert Ace Barbers sa National Bureau of Investigation na tukuyin, imbestigahan at kasuhan ang mga vloggers na nagpapakalat ng fake news. Una nang isiniwalat ni Barbers sa ika-12 pag-dinig ng komite na may mga POGO at illegal drug syndicates na nagpopondo ng mga vloggers para magpakalat ng kasinungalingan at… Continue reading NBI, pinakikilos ng Quad Comm chair para habulin ang mga vloggers na pinondohan ng POGO at drug money

DBM, ibinigay na sa DPWH ang ₱1-B para sa pagsasaayos ng mga imprastraktura na sinira ng magkakasunod na bagyo

Ibinigay na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah  Pangandaman ang ₱1-bilyong piso sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapatupad ng disaster-related infrastructure projects. Ang hakbang ay base na rin sa kautusan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad isaayos ang mga tulay, kalsada, paaralan, at iba pang… Continue reading DBM, ibinigay na sa DPWH ang ₱1-B para sa pagsasaayos ng mga imprastraktura na sinira ng magkakasunod na bagyo

BSP, titiyaking nakabantay sa katatagan ng presyo ng bilihin habang binabantayan ang November inflation outturn

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na patuloy na ipatutupad ng Monetary Board ang maingat na hakbang upang mapanatili ang katatagan ng presyo ng bilihin. Ito ay importante para mabalanse ang paglago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho. Sa pagtaya ng BSP, posibleng pumalo ang November Inflation sa 2.2 hanggang 3.0 percent. Ang bahagyang pagtaas sa nakaraang buwan ay… Continue reading BSP, titiyaking nakabantay sa katatagan ng presyo ng bilihin habang binabantayan ang November inflation outturn

OPAPRU, nagbigay-pugay sa yumaong dating Senador Santanina Rasul

Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa pagyao ni dating Senador Santanina Rasul. Sa isang pahayag, sinabi ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. na hindi matatawaran ang ambag ni Rasul para itaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga kapatid na Muslim. Bilang kauna-unahang babaeng Muslim… Continue reading OPAPRU, nagbigay-pugay sa yumaong dating Senador Santanina Rasul