DPWH, inaayos na ang bako-bakong bahagi ng Panguil Bay Bridge sa Northern Mindanao

Agad tinapalan ng aspalto ang mga bako-bakong bahagi ng Panguil Bay Bridge sa Northern Mindanao na proyekto ng Duterte administration sa ilalim ng kanyang Build, Build, Build.  Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista na dadaan sa nasabing tulay.  Sa kuha ng ilang netizens kamakailan, malalim na bako-bakong aspalto ang naranasan ng mga… Continue reading DPWH, inaayos na ang bako-bakong bahagi ng Panguil Bay Bridge sa Northern Mindanao

Higit 20,000 indibidwal, apektado ng mga pag-ulang dulot ng shear line — DSWD

Mayroon nang inisyal na naitala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na higit 4,000 pamilya o 21,995 indibidwal na apektado ng mga ulan at bahang dulot ng shear line. Ayon sa DSWD, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Bicol Region at Western Visayas. Aabot na rin sa 44 pamilya o katumbas ng… Continue reading Higit 20,000 indibidwal, apektado ng mga pag-ulang dulot ng shear line — DSWD

Panukala para isabatas ang AKAP program, itinutulak sa Kamara

Inihain ni Batangas Representative Gerville Luistro ang House Bill 11048 na layong gawing isang regular na programa ng pamahalaan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP. Sa paraan aniyang ito, masisiguro na tuloy-tuloy ang implimentasyon ng programa gayundin ang pagpopondo nito. Sakaling maisabatas, ipatutupad ang AKAP sa pamamagitan ng Department of Social Welfare… Continue reading Panukala para isabatas ang AKAP program, itinutulak sa Kamara

Dagdag sweldo sa mga manggagawa ng CAR at MIMAROPA, posibleng maaprubahan bago matapos ang 2024

Nasa final review na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag sweldo sa mga manggagawa ng Cordillera Administrative Region at MIMAROPA (Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, at Palawan).  Ito ang ibinalita ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos ang isinagawang Year End Assessment na pinangunahan ni Secretary Bienvenido Laguesma.  Ayon sa… Continue reading Dagdag sweldo sa mga manggagawa ng CAR at MIMAROPA, posibleng maaprubahan bago matapos ang 2024

Ekonomiya ng Pilipinas, lalo pang lumalago dahil sa umaangat na infrastructure spending

Hindi halos naapektuhan ng isyung politikal ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.  Ito’y matapos lumago pa ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2024. Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, umabot na sa ₱1.142-trillion ang infrastructure spending ng bansa, mas mataas ng 11.9… Continue reading Ekonomiya ng Pilipinas, lalo pang lumalago dahil sa umaangat na infrastructure spending

Nasa 400 na bagong police, nanumpa sa NCRPO

Upang mapaigting ang pagsugpo sa kriminalidad sa buong Metro Manila, nanumpa ang nasa apat na raang bagong pulis upang magsilbing bagong tagapamayapa sa buong Metro Manila. Personal na nanumpa ang mga ito kay National Capital Region Police Office (NCRPO) acting Regional Director Police Brigader General Anthony Aberin ang mga bagong mga pulis na magbabantay sa… Continue reading Nasa 400 na bagong police, nanumpa sa NCRPO