Sen. Jinggoy Estrada, naniniwalang malabong magkaroon ng special session para sa impeachment trial vs VP Sara Duterte 

Duda si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na maaari silang magkaroon ng special session para bigyang daan ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.  Ipinunto ni Estrada na batay sa konstitusyon, ang Pangulo ng bansa ang nagpapatawag ng special session.  Matatandaang una nang nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na huwag… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, naniniwalang malabong magkaroon ng special session para sa impeachment trial vs VP Sara Duterte 

Quad Comm co-chair Benny Abante, nais malinawan kung paano nakalipad palabas ng bansa si dating presidential spokesperson Harry Roque

Humihingi si Quad Comm co-chair Benny Abante ng paliwanag mula Bureau of Immigration kung paano nakalabas ng bansa si dating presidential spokesperson Harry Roque. Ito’y matapos mismong si Roque ang nagkumpirma na wala na siya dito sa Pilipinas. Sa isinumite niya kasing counter affidavit para sa kasong qualified human trafficking, ay nakasaad sa naturang dokumento… Continue reading Quad Comm co-chair Benny Abante, nais malinawan kung paano nakalipad palabas ng bansa si dating presidential spokesperson Harry Roque

AFP official, tiniyak na walang ugong ng detabilisasyon sa hanay ng militar

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Intelligence Command head Lt. Gen. Ferdinand Barandon na walang dapat ikabahala ang publiko dahil walang namumuo at wala ring usap-usapan ng kudeta sa hanay ng militar sa gitna ng inihaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ginawa ni Barandon ang pahayag sa kanyang pagharap sa… Continue reading AFP official, tiniyak na walang ugong ng detabilisasyon sa hanay ng militar

Kontrata sa pagtatayo ng Medical Plaza project ng PNP, kinansela na base sa rekomendasyon ng COA

Kinansela ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kontrata sa Mecel Construction and Electrical Inc (MCEI) kasunod ng rekomendasyon ng Commission on Audit (COA). Ang MCEI ang contractor ng P557.86 million Medical Plaza Project sa Camp Panopio, Cubao, Quezon City. Base sa rekomendasyon ng COA, naantala ang mahigit na 25 percent ang proyekto, lagpas sa… Continue reading Kontrata sa pagtatayo ng Medical Plaza project ng PNP, kinansela na base sa rekomendasyon ng COA

DSWD Bicol, nakapagpamahagi ng halos 4k na family food packs sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine at Pepito

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyong Kristine at Pepito sa rehiyon. Kahapon, nakapagpamigay ng nasa 1,217 Family Food Packs ang ahensya sa Barangay Daguit, Municipality of Labo, Camarines Norte, na nagkakahalaga ng PHP 864,070.00. Nasa 1,794 na… Continue reading DSWD Bicol, nakapagpamahagi ng halos 4k na family food packs sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine at Pepito

Toxic watchdog group, nagbabala sa pagbili ng skin whiteners na nagmula sa Pakistan

Pinag-iingat ng Ecowaste Coalition ang publiko sa paggamit ng dalawang hindi otorisadong facial creams na ipinuslit mula sa Pakistan. Ayon sa toxic watchdog group, natuklasan na naglalaman ng mataas na konsentrasyon ng mercury ang skin whiteners. Ang mercury ay isang mapanganib na kemikal na ipinagbabawal sa cosmetic products. Kalat na ibinebenta sa Pasay City, ang… Continue reading Toxic watchdog group, nagbabala sa pagbili ng skin whiteners na nagmula sa Pakistan

P100–M production grant para sa tobacco farmers sa buong bansa, nakahanda nang ipamahagi — DA

Photo courtesy of Department of Agriculture (DA)

Nakahanda nang ipamahagi ng National Tobacco Administration (NTA) ang P100 million crop production grant sa mga magsasaka ng tabako sa buong bansa para sa cropping year 2024 – 2025. Ayon kay Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano, may 16,666 tobacco farmers ang mabibigyan ng tig P6,000 cash assistance bago ang Disyembre 15, 2024. Sa kabuuang bilang,… Continue reading P100–M production grant para sa tobacco farmers sa buong bansa, nakahanda nang ipamahagi — DA

Anti-Solicitation to Murder Act, ipinapanukala sa Kamara

Itinutulak ngayon ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre ang “Anti-Solicitation to Murder Act.” Ang panukala ay kasunod na rin ng pag-amin ni Vice President Sara Duterte na may kinausap na siyang tao para targetin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez. Giit niya na hindi maaaring balewalain na… Continue reading Anti-Solicitation to Murder Act, ipinapanukala sa Kamara

Global investment roadshow, ilulunsad sa susunod na taon para ipakilala ang CREATE MORE Act sa foreign investors

Nakatakdang maglunsad ang Pilipinas ng global investment roadshow para sa Create More. Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, ang roadshow ay ilulunsad kapag natapos na ang implementing rules and regulations (IRR) ng CREATE MORE, sa Pebrero ng susunod na taon. Paliwanag ni Go.. magkatuwang ang Board… Continue reading Global investment roadshow, ilulunsad sa susunod na taon para ipakilala ang CREATE MORE Act sa foreign investors

Panukalang ipawalang bisa ang mga pinekeng birth certificate ng mga dayuhan, mabilis na lumusot sa komite

Inaprubahan ng House Committee on Population and Family Relations, subject to style, ang panukalang batas na layong ipawalang bisa ang mga pinekeng birth certificate ng mga dayuhan sa pamamagitan ng administrative proceedings. Ang House Bill 11117 ang resulta ng imbestigasyon ng Quad Committee, kung saan lumabas na maraming Chinese nationals ang nakabili ng mga lupa… Continue reading Panukalang ipawalang bisa ang mga pinekeng birth certificate ng mga dayuhan, mabilis na lumusot sa komite