₱40 kada kilong Kadiwa rice, ilalagay sa piling istasyon ng tren at palengke sa Metro Manila

Mas inilapit pa ng Department of Agriculture (DA) ang bentahan ng murang bigas sa publiko sa pamamagitan ng “Rice-for-All” program. Kasunod ito ng anunsyo ng DA na ₱40 na kada kilong bigas na ibebenta sa dalawang MRT at LRT stations at limang malalaking palengke sa Metro Manila. Kabilang dito ang mga ss:Guadalupe Public Market, Kamuning… Continue reading ₱40 kada kilong Kadiwa rice, ilalagay sa piling istasyon ng tren at palengke sa Metro Manila

CAMANA Water Reclamation Facility, 83% nang kumpleto

Aabot na sa 83% ang completion rate ng CAMANA (Caloocan-Malabon-Navotas) Water Reclamation Facility ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad). Ayon sa Maynilad, ang P10.5-B pasilidad na matatagpuan sa Maypajo, Caloocan ay inaasahang magpapahusay sa mga serbisyo ng sewerage sa pamamagitan ng pagproseso ng hanggang 205 milyong litro ng wastewater kada araw.… Continue reading CAMANA Water Reclamation Facility, 83% nang kumpleto

Shear Line, magdudulot ng malakas na pag-ulan sa hilagang Luzon

Nagbigay ng babala ang PAGASA hinggil sa epekto ng shear line na inaasahang magdadala ng malalakas hanggang matitinding pag-ulan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon ngayong December 4, 2024. Ang Cagayan at Isabela ay makakaranas ng malalakas hanggang matitinding pag-ulan na maaaring umabot sa 100-200 mm, habang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan naman ang mararanasan… Continue reading Shear Line, magdudulot ng malakas na pag-ulan sa hilagang Luzon

Ikaapat na Board Meeting sa Fund for Loss and Damage, ginaganap sa Pilipinas

Bilang host country ngayong taon, malugod na tinanggap ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang mga delegado sa ikaapat na Board Meeting ng Fund for Responding to Loss and Damage (FrLD) Board na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC).  Ang FrLD ay idinisenyo para suportahan ang mga climate-vulnerable developing countries. Kasunod ito ng katatapos… Continue reading Ikaapat na Board Meeting sa Fund for Loss and Damage, ginaganap sa Pilipinas

PHIVOLCS, mahigpit na naka-monitor sa Bulkang Taal at Kanlaon

Patuloy na binabantayan ng PHIVOLCS ang Bulkang Taal at Kanlaon na patuloy ang aktibidad. Ayon sa PHIVOLCS, bukod sa phreatomagmatic eruption, ay nagkaroon rin ng apat na volcanic earthquakes ang Bulkang Taal kabilang ang tatlong volcanic tremors. Nananatili rin ang malakas na pagsingaw sa Bulkan at pagbuga nito ng mataas na lebel ng sulfur dioxide.… Continue reading PHIVOLCS, mahigpit na naka-monitor sa Bulkang Taal at Kanlaon

Kagitingan at katapangan ng mga pulis na nasugatan sa kasagsagan ng kilos-protesta sa Maynila noong Bonifacio Day, kinilala ng PNP

Nananatiling committed ang Philippine National Police (PNP) na protektahan ang publiko at itaguyod ang kaayusan gayundin ang kapayapaan. Ito ang inihayag ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil sa kabila ng mga panganib na kinahaharap ng mga pulis na madali aniyang nakakukuha ng pasasalamat. Sa isang pahayag, sinabi ng PNP chief, dapat kilalanin, parangalan,… Continue reading Kagitingan at katapangan ng mga pulis na nasugatan sa kasagsagan ng kilos-protesta sa Maynila noong Bonifacio Day, kinilala ng PNP

Pagbili ng 2 pang barko na mayroong anti-submarine capabilities, ikinakasa ng Philippine Navy

Inihayag ng Philippine Navy ang plano nitong dagdagan pa ang kanilang mga asset na may kakayahang palakasin ang kanilang anti-submarine capabilities. Ito ang inihayag ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad matapos mamataan ang isang Russian Submarine sa Cape Calavite sa Occidental Mindoro nito lamang November 28. Sa pulong-balitaan… Continue reading Pagbili ng 2 pang barko na mayroong anti-submarine capabilities, ikinakasa ng Philippine Navy

2 residente, naitalang casualty sa sumiklab na sunog sa Brgy. Ilaya sa Mandaluyong City

Hindi bababa sa dalawang residente ang sinaklolohan matapos sumiklab ang sunog sa Brgy. Barangka Ulaya sa Mandaluyong City kaninang madaling araw. Batay sa ulat ng Philippine Red Cross (PRC), isang pasyente ang isinugod sa Mandaluyong City Medical Center matapos magtamo ng 1st degree burns. Habang isa pang pasyente ang inalalayan din ng Red Cross matapos… Continue reading 2 residente, naitalang casualty sa sumiklab na sunog sa Brgy. Ilaya sa Mandaluyong City

Panukala para gawing 6 na taon ang termino ng BSK officials, aprubado na sa komite sa Kamara

Pinagtibay ng House Committee on Local Government ang Substitute Bill na layong gawing anim na taon ang termino ng Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) officials mula sa kasalukuyang tatlo. Sakaling maisabatas, magsisimula ang 6-year term kasunod ng isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa 2029. Hanggang dalawang magkasunod na termino maaari magsilbi ang mahahalal na… Continue reading Panukala para gawing 6 na taon ang termino ng BSK officials, aprubado na sa komite sa Kamara

Mga indibidwal na apektado ng shearline, higit 50,000 na — DSWD

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residenteng apektado ng malakas na pag-ulan at pagbahang dulot ng shearline. Sa pinakahuling tala ng DSWD, as of December 3 ay umakyat pa sa 13,192 pamilya o katumbas ng 55,000 indibidwal ang apektado ng kalamidad sa Bicol Region at Western at Central Visayas. Kaugnay nito, umakyat na rin sa… Continue reading Mga indibidwal na apektado ng shearline, higit 50,000 na — DSWD