DA, target na mapababa pa ang presyo ng bigas sa susunod na taon

Pursigido si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na mapababa pa ang presyo ng bigas sa mga mamimili sa susunod na taon. Ayon sa kalihim, nais nitong maibaba pa mula sa kasalukuyang bentahan na ₱40 ang kada kilo ng regular o well milled rice. Kaugnay nito, humingi na ng tulong ang kalihim sa iba pang… Continue reading DA, target na mapababa pa ang presyo ng bigas sa susunod na taon

Paglilikas sa mga alagang hayop na nasa paligid ng bulkang Kanlaon, mahigpit na tinututukan ng mga awtoridad

Mahigpit na tinututukan ngayon ng mga awtoridad ang paglilikas sa mga alagang hayop ng mga residenteng nakatira sa loob ng 6 na kilometro na Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkang Kanlaon. Ito’y ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang dahilan kung bakit nagiging pahirapan ang paglilikas sa mga residente… Continue reading Paglilikas sa mga alagang hayop na nasa paligid ng bulkang Kanlaon, mahigpit na tinututukan ng mga awtoridad

Cash remittance lumago ng 2.7 percent para sa buwan ng October 2024 — BSP

Umakyat ng 2.7 percent ang personal remittance para sa buwan ng Oktubre 2024. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, nasa $3.42-billion ang October remittance, mas mataas kumpara sa $3.33-billion noong parehas na panahon ng 2023. Ang paglago ng remittance ay mula sa land-based at sea-based workers. Umaabot sa $3.08-billion ang cash remittance na idinaan sa… Continue reading Cash remittance lumago ng 2.7 percent para sa buwan ng October 2024 — BSP

Mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon, sumampa na sa 44k indibidwal- DSWD

Umakyat pa sa higit 10,000 pamilya, o katumbas ng 44,000 indibidwal, ang apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros. Ayon sa DSWD, as of December 17, mayroon na ring higit 4,000 pamilya, o katumbas ng 15,000 indibidwal, ang pansamantalang inilikas sa evacuation centers, habang higit 600 pamilya ang nakikitira rin sa mga kaanak. Sa… Continue reading Mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon, sumampa na sa 44k indibidwal- DSWD

Fake news patungkol sa pamahalaan, layuning tuldukan sa pagbabalik ng PTV Legazpi

Bilang bahagi ng mandato na maabot ang bawat sulok ng bansa, opisyal na muling umere ang People’s Television Network, Inc. (PTNI) sa Legazpi City, Albay noong Lunes, December 16, matapos ang pitong taon. Pinangunahan ni PTV General Manager Antonio Nebrida Jr., kasama sina Legazpi City Mayor Alfredo Garbin Jr., Albay Acting Governor Glenda Ong Bongao,… Continue reading Fake news patungkol sa pamahalaan, layuning tuldukan sa pagbabalik ng PTV Legazpi

Shear Line at LPA, nagdudulot ng malalakas na pag-ulan

Naglabas ng Weather Advisory No. 4 ang PAGASA ngayong umaga, December 17, 2024, kaugnay ng inaasahang malalakas na pag-ulan dulot ng shear line at Low Pressure Area (LPA). Ngayong araw, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan (50-100 mm) ang Quezon, Camarines Norte, Eastern Samar, Northern Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del… Continue reading Shear Line at LPA, nagdudulot ng malalakas na pag-ulan

DA, epektibong tumugon sa mga hamon sa agri sector ngayong 2024 — Sec. Tiu-Laurel Jr.

Sa kabila ng mga hamon sa agricultural sector ngayong 2024, kumbinsido si Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na mahusay pa ring natugunan ng Department of Agriculture ang mga pangangailangan sa sektor para matiyak ang food security sa bansa. Sa panayam sa media, sinabi ng kalihim na bagamat maituturing na ‘depressing’ ang mga tumamang kalamidad sa sektor,… Continue reading DA, epektibong tumugon sa mga hamon sa agri sector ngayong 2024 — Sec. Tiu-Laurel Jr.

Kandidato sa pagka-kongresista ng 6th District ng Bulacan, tuluyan nang idineklarang nuisance candidate ng Comelec En Banc

Pinagtibay na ng En Banc ng Commission on Elections (COMELEC) ang naging desisyon ng 2nd Division na ideklarang nuisance candidates ang isang Jad Racal na kandidato sa pagka-kongresista ng ika-anim na Distrito ng Bulacan. Sa desisyon ng En Banc, wala daw naipakitang bagong ebidensya si Racal para patotohanan ang kanyang deklarasyon sa kanyang Certificate of… Continue reading Kandidato sa pagka-kongresista ng 6th District ng Bulacan, tuluyan nang idineklarang nuisance candidate ng Comelec En Banc

Public Attorney’s Office, umaapela sa Malacañang na pag-aralan din ang kaso ng recruiter ni Mary Jane Veloso na nakakulong ngayon sa bansa

Hinihikayat ni Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta ang Malacañang na muling pag-aralan ang kaso ng dalawang recruiter ni Mary Jane Veloso. Ayon kay Atty. Acosta, parehong biktima rin sina Julius Lacanilao at Maria Cristina Sergio na kapwa nakakulong ngayon sa Pilipinas. Sina Lacanilao at Sergio ay parehong kliyente ng Public Attorney’s Office. Sinabi ni… Continue reading Public Attorney’s Office, umaapela sa Malacañang na pag-aralan din ang kaso ng recruiter ni Mary Jane Veloso na nakakulong ngayon sa bansa

Van na nangunguha ng mga bata, pinatotohanan ng Public Attorney’s Office 

Ibinunyag ng Public Attorney’s Office na totoo ang mga balitang may mga kumikidnap ng mga bata gamit ang mga van.  Sa isang pulong-balitaan, mismong si Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta ang nagkumpirma na may mga insidente na ng pagdukot.  Walang ransom na hinihingi ang mga kidnapper pero ibinebenta daw ang lamang-loob ng mga biktima… Continue reading Van na nangunguha ng mga bata, pinatotohanan ng Public Attorney’s Office