2 high value target drug personalities sa La Union, nahuli ng PDEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli na ang dalawang high-value target drug personalities sa Lalawigan ng La Union.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naaresto sina Mike Kevin Ancheta Bane, 29; at Jash Quezada Balonzo, 27; kapwa residente ng Baguio City.

Nadakip ang dalawa sa isinagawang buy bust operation sa Sitio Bataan, Barangay Pagudpud, San Fernando City, La Union.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang dalawang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P60,000, isang celphone, sasakyan na Toyota Altis, at buy-bust money.

Bago nahuli ang mga drug personality, ilang araw ding nagsagawa ng surveillance operation ang mga ahente ng PDEA.

Nakakulong na ang dalawang drug personality sa PDEA Regional Office 1 jail facility sa Camp Diego Silang, Carlatan, San Fernando City, La Union habang inihahanda ang kaso laban sa kanila. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us