Desisyon ng DOH na huwag nang imandato ang pagpresenta ng booklet para makakuha ng senior citizen discount sa mga gamot, welcome sa mga senador

Ikinagalak ng mga senador ang anunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na hindi na kailangan ng mga senior citizen na ipakita ang kanilang booklet para makakuha ng diskwento sa mga gamot. Ayon kay Senadora Loren Legarda, malaking tulong ito para sa mga lolo at lola at mga indigent senior citizen para sa maayos na pagpapatupad… Continue reading Desisyon ng DOH na huwag nang imandato ang pagpresenta ng booklet para makakuha ng senior citizen discount sa mga gamot, welcome sa mga senador

Mga empleyado, may karapatang magreklamo kung hindi makakatanggap ng 13th month –Sen. Villanueva

Ipinaalala ni Senate Committee on Labor Chairman Senador Joel Villanueva sa mga manggagawa na maaari silang maghain ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) kung hindi sila bibigyan ng 13th month pay ng kanilang mga employer sa tamang oras. Kasabay ito ng pakikiisa ng senador sa panawagan ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa mga… Continue reading Mga empleyado, may karapatang magreklamo kung hindi makakatanggap ng 13th month –Sen. Villanueva

Panukalang 2025 budget, nakatakda nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa December 30

Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)

Nakatakda nang lagdaan ang 2025 General Appropriations Act o ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon sa December 30. Sa ibinahaging advisory ni Senadora Imee Marcos, isasagawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Marcos ang ceremonial signing para sa pambansang pondo sa December 30, ganap na alas 9:30 ng umaga sa Malakañang. Inaasahang… Continue reading Panukalang 2025 budget, nakatakda nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa December 30

Sen. Tulfo, nanawagan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng biyahero ngayong Kapaskuhan

Pinaalalahanan ni Senate Committee on Public Services Chairman Senador Raffy Tulfo ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na iprayoridad ang kaligtasan, seguridad at kaginhawaan ng mga kababayan nating papauwi sa mga probinsya ngayong kapaskuhan. Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga pantalan, paliparan at bus terminal. Partikular na… Continue reading Sen. Tulfo, nanawagan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng biyahero ngayong Kapaskuhan

PRO-3 Chief, tiniyak ang “zero tolerance” vs indiscriminate firing

Mahigpit na pinaalalahanan ni Police Regional Office 3 (Central Luzon) Director Brigadier General Redrico Maranan ang mga pulis, na iwasan ang ano mang uri ng indiscriminate firing ngayong Kapaskuhan, lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon. Sa isang pahayag, sinabi ni Maranan na sino mang mapatutunayang sangkot sa pagpapaputok ng baril ay agad na aarestuhin… Continue reading PRO-3 Chief, tiniyak ang “zero tolerance” vs indiscriminate firing

Pagbibigay prayoridad ng NGCP na bayaran ang dibidendo ng mga shareholder, ikinadismaya ng mga manbabatas

Ikinadismaya ng mga mambabatas ang 91.2% dividend payout rate ng NGCP. Punto ni Deputy Speaker David Suarez pinapakita lamang umano niti na inuuna ng NGCP ang kita ng mga shareholder sa halip na pondohan ang mga kinakailangang imprastraktura. “Dapat inuuna nila ang priority at ang pagbibigay ng tamang serbisyo sa taong-bayan, hindi ang mga shareholders… Continue reading Pagbibigay prayoridad ng NGCP na bayaran ang dibidendo ng mga shareholder, ikinadismaya ng mga manbabatas

Shear Line, Nagdudulot ng Malalakas na Pag-ulan

Naglabas ng Rainfall Advisory No. 3 ang PAGASA ngayong hapon, ika-24 ng Disyembre 2024, kaugnay ng shear line na nagdudulot ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa. Sa loob ng susunod na dalawa hanggang tatlong oras, inaasahang mararanasan ang mga pag-ulan sa Northern Samar, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, at Marinduque.… Continue reading Shear Line, Nagdudulot ng Malalakas na Pag-ulan

Speaker Romualdez, hangad ang pasko na puno ng pagmamahal at pagkakaisa para sa bawat pamilyang Pilipino

Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez ang taos-pusong pagbati nito ng Maligayang Pasko sa bawat pamilyang Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo. Aniya, ang panahong ito ay simbolo ng saya, pasasalamat, at pagninilay, at isang pagkakataon na maipagdiwang ang pagmamahal at pagkakaisa na nagbibigkis sa bawat isa bilang isang bansa. “As we celebrate this joyous… Continue reading Speaker Romualdez, hangad ang pasko na puno ng pagmamahal at pagkakaisa para sa bawat pamilyang Pilipino

Ilang mga pasahero sa BFCT Terminal sa Marikina City, marami pa rin ngayong Bisperas ng Pasko

Marami pa rin ang mga pasahero sa BFCT Terminal sa Marikina City ngayong Bisperas ng Pakso. Ang ilan nga sa kanila ay hindi makakapagdiwang ng Noche Buena at Pasko kasama ang kanilang mga pamilya. Ito ay dahil sa naantalang biyahe patungong probinsya dahil sa dagsa pa rin ang mga pasahero sa Batangas Port. Sa pag-iikot… Continue reading Ilang mga pasahero sa BFCT Terminal sa Marikina City, marami pa rin ngayong Bisperas ng Pasko

OCD, nagbabala sa banta ng shear line, pagputok ng Bulkang Kanlaon, at lindol sa Ilocos Sur

Nagpatawag ng emergency preparedness meeting si Civil Defense Administrator at NDRRMC Executive Director Undersecretary Ariel F. Nepomucenoo dahil sa banta ng shear line, pagputok ng Bulkang Kanlaon, at mga lindol sa Ilocos Sur. Ipinag-utos ni Nepomuceno, na isara ang mga paaralan, ipinatitigil ang konstruksyon, at ipinagbawal ang paninirahan sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone… Continue reading OCD, nagbabala sa banta ng shear line, pagputok ng Bulkang Kanlaon, at lindol sa Ilocos Sur