Patuloy na pagkakaisa ng mga Pilipino, hiling ni SP Chiz Escudero sa pagpasok ng 2025

Hiling ni Senate President Chiz Escudero ang patuloy na pagkakaisa at dalhin ng bawat isa ang diwa ng pag-asa sa pagpasok ng taong 2025. Sa kanyang new years message, giniit ni Escudero na kayang kaya nating lampasan ang anumang balakid basta’t nagkakaisa at nagsasama-sama. Umaasa rin ang Senate President na pagninilayan ng bawat isa ang… Continue reading Patuloy na pagkakaisa ng mga Pilipino, hiling ni SP Chiz Escudero sa pagpasok ng 2025

Senate Blue Ribbon Subcommittee, magpapatawag muli ng pagdinig tingkol sa war on drugs sa susunod na taon

koko pimentel press con may 21. Photo by Angie de Silva/Rappler

Nakatakdang muling magpatawag ang Senate Blue Ribbon Subcommittee, na pinamumunuan ni Senate Minority leader Koko Pimentel, ng pagdinig tungkol sa war on drugs sa susunod na taon. Ayon kay Pimentel, hindi sila nakapagtakda ng hearing ngayong taon dahil walang kapangyarihan ang subcommittee na magpa-cite in contempt ng resource person. Gayunpaman, inamyendahan na aniya ang rules… Continue reading Senate Blue Ribbon Subcommittee, magpapatawag muli ng pagdinig tingkol sa war on drugs sa susunod na taon

2025, panibagong taon ng pag asa at pagkakataon na makapagsilbi sa mga Pilipino ayon kay Speaker Romualdez

Hinikayat ni Speaker Martin Romualdez ang bawat Pilipino na salubungin ang 2025 nang may pag-asa, pagkakaisa at determinasyon para sa isang mas matatag na Pilipinas. “Sa ating pagsalubong sa Bagong Taon, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati ng isang mapayapa, masagana at puno ng pag-asa na 2025 para sa bawat pamilyang Pilipino,” saad ni… Continue reading 2025, panibagong taon ng pag asa at pagkakataon na makapagsilbi sa mga Pilipino ayon kay Speaker Romualdez

Migration ng mga ibon sa bansa, dapat i-monitor ng mga otoridad para maiwasan ang bird strikes sa mga paliparan —Sen. Tolentino

Binigyang diin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, na dapat pag-aralang mabuti ng mga otoridad ang epekto ng climate change sa migration ng mga ibon na dumadaan sa bansa, para maiwasan ang mga bird strike sa ating mga paliparan. Ayon kay Tolentino, dapat ma-monitor ang ano mang pagbabago sa pattern at bilang ng migratory birds… Continue reading Migration ng mga ibon sa bansa, dapat i-monitor ng mga otoridad para maiwasan ang bird strikes sa mga paliparan —Sen. Tolentino

Rural Electrification Program, pinondohan sa ilalim ng 2025 National Budget

Tiniyak ni Senator Sherwin Gatchalian na tinitiyak ng 2025 National Budget ang pagpapatuloy ng Rural Electrification Program ng pamahalaan o ang pagtitiyak na may kuryente sa mga kanayunan. Ayon kay Gatchalian, sa ilalim ng inaprubahang national budget, ang National Electrification Administration (NEA) ay magkakaroon ng subsidiya mula sa gobyerno na P1.87 bilyon, para magbigay ng kuryente… Continue reading Rural Electrification Program, pinondohan sa ilalim ng 2025 National Budget

Ilang kalsada sa Makati City, isinara para sa isasagawang New Year’s Eve Countdown

Ilang mga kalsada ang isinara sa Makati City Central Business District upang bigyang daan ang isasagawang New Year’s Eve Countdown to 2025 sa kahabaan ng Ayala Avenue. Batay sa abiso ng Lokal na Pamahalaan ng Makati, kabilang sa mga isinarang kalsada simula ngayong araw ang bahagi ng Ayala Avenue, Paseo de Roxas at Makati Avenue.… Continue reading Ilang kalsada sa Makati City, isinara para sa isasagawang New Year’s Eve Countdown

Senior House Leaders, binigyang diin ang kahalagahan ng oversight function ng Kamara sa nakalipas na taon

Kinilala ng Senior House Leaders ang mga nadiskubre sa isinagawang mga investigation at inquiry in aid of legislation ng Kamara, bilang bahagi ng kanilang oversight function. Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., kasama ito sa mga maituturing na tagumpay ng Kamara sa 19th Congress bukod pa sa mga naipasa nilang panukala. Giit niya, ito… Continue reading Senior House Leaders, binigyang diin ang kahalagahan ng oversight function ng Kamara sa nakalipas na taon

Mahigit 300 pamilyang OFW sa Batangas na apektado ng bagyong Kristine, nabigyan ng tulong ng DMW

Namahagi ng tulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga pamilyang OFW sa Calatagan, Batangas sa isinagawang outreach at gift-giving activity. Ito ay bahagi ng ika-3 anibersaryo ng ahensya. Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac kasama ang iba pang opisyal ng DMW, ang pamamahagi ng grocery packs at pinansyal na tulong sa… Continue reading Mahigit 300 pamilyang OFW sa Batangas na apektado ng bagyong Kristine, nabigyan ng tulong ng DMW

DND Sec. Teodoro, binigyang diin ang katatagan at pagkakaisa ng mga Pilipino sa kaniyang New Year’s Day Message

Inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. na nalampasan ng bansa ang mga mabibigat na pagsubok ngayong taon. Kabilang dito ang mga kalamidad at ang mga banta sa soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa. Sa kaniyang mensahe para sa Bagong Taon, biniyang diin ni Secretary Teodoro ang katatagan at pagkakaisa ng mga Pilipino sa… Continue reading DND Sec. Teodoro, binigyang diin ang katatagan at pagkakaisa ng mga Pilipino sa kaniyang New Year’s Day Message

BI, tiniyak ang maayos na operasyon sa mga paliparan ngayong peak ng holiday season

Siniguro ni Bureau of immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado, na mananatiling maayos ang operasyon ng kanilang opisina sa mga paliparan ngayong kasagsagan ng holiday season. Ayon kay Viado, wala silang naitalang ano mang major incidents o concerns nitong panahon ng kapaskuhan. Dahil dito ay positibo si Viado, na ang naturang maayos na operasyon ay… Continue reading BI, tiniyak ang maayos na operasyon sa mga paliparan ngayong peak ng holiday season