House Panel Chair, iginagalang ang pag-veto ni PBBM sa 2025 National Budget

Nirerespeto ng Kamara ang veto power ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang inihayag ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co, matapos gamitin ng Punong Ehekutibo ang kaniyang veto power nang lagdaan ang 2025 General Appropriations Act. Ani Co, kinikilala nila ang constitutional prerogative at judgement ng Presidente at nananatiling handa ang Kongreso na… Continue reading House Panel Chair, iginagalang ang pag-veto ni PBBM sa 2025 National Budget

Kampanya vs. iligal na paputok, tagumpay — PNP

Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang matagumpay na kampanya nito kontra sa mga iligal na paputok at inaasahan nilang magtutuloy-tuloy ito hanggang sa magpalit na ang taon. Ito ang tinuran ng PNP makaraang umakyat na sa 30 indibiduwal ang kanilang naaresto mula sa mahigit 500 ikinasang operasyon nito. Ayon kay PNP Public Information Office… Continue reading Kampanya vs. iligal na paputok, tagumpay — PNP

Central Luzon PNP, naglabas ng listahan ng mga community firecraker zone at fireworks display areas

Muling hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na salubungin ng ligtas ang Bagong Taong 2025 sa pamamagitan ng hindi paggamit ng mga iligal na paputok. Kasbay nito, naglabas ng listahan ang Police Regional Office-3 o Central Luzon PNP ng mga lugar kung saan lamang maaaring magsindi ng mga ligal na paputok para sa… Continue reading Central Luzon PNP, naglabas ng listahan ng mga community firecraker zone at fireworks display areas

Record breaking na 7.89 milyong Family Food Packs, naipaabot ng DSWD sa mga nangangailangan ngayong 2024

Naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong 2024 ang pinakamalaking bilang ng naipamahagi nitong family food packs. Ayon sa DSWD, sa pagtatapos ng taon, umabot sa 7.89 milyong kahon ng Family Food Packs (FFPs) ang naipaabot nito sa lahat ng mga naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad at bagyo. Kasama na rito ang… Continue reading Record breaking na 7.89 milyong Family Food Packs, naipaabot ng DSWD sa mga nangangailangan ngayong 2024

Bilang ng mga road accident ngayong Holiday Season, umakyat na sa 457

Patuloy ang pagdami ng mga road accident ngayong Holiday Season base sa monitoring ng Department of Health (DOH). Sa huling datos ng ahensya, nasa 457 na ang mga aksidente sa kalsada mula December 22 hanggang December 30. Sa bilang na ito, lima na ang namatay kung saan ang tatlo dito ay dahil sa motorsiklo. Sinabi… Continue reading Bilang ng mga road accident ngayong Holiday Season, umakyat na sa 457

Malabon LGU, nagpaalala para sa ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon

Muling nagpaalala ang Malabon Local Government sa mga residente para sa ligtas na pagsalubong ng 2025 sa lungsod. Alinsunod sa City Resolution 187-2017, may dalawang itinalagang Common Fireworks Area sa lungsod kabilang ang Malabon People’s Park sa Brgy. Catmon at Plaza Diwa sa Brgy. Tugatog. Dito lamang maaaring magsagawa ng community fireworks display upang matiyak… Continue reading Malabon LGU, nagpaalala para sa ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon

Pondo para sa Alternative Learning System at learners with disabilities, tiniyak sa 2025 budget

Tiniyak ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian na may pondo para sa patuloy na suporta para sa Alternative Learning System (ALS) at sa mga mag-aaral na may kapansanan o learners with disabilities sa ilalim ng 2025 National Budget.  Ayon kay Gatchalian, may nakalaang ₱6.34.83 million sa ilalim ng 2025 General Appropriations… Continue reading Pondo para sa Alternative Learning System at learners with disabilities, tiniyak sa 2025 budget

Senadora Risa Hontiveros, giniit na dapat manatiling nakakulong si Tony Yang

Binigyang diin ni Senadora Risa Hontiveros na dapat manatiling nakakulong si Tony Yang, ang kapatid ni Michael Yang na sangkot sa iba’t ibang mga ilegal na gawain sa bansa. Ginawa ng senadora ang pahayag matapos makatanggap ng mga ulat na ilang opisyal umano ng Bureau of Immigration ang nagtatangkang isulong ang pagpapalaya kay Yang sa… Continue reading Senadora Risa Hontiveros, giniit na dapat manatiling nakakulong si Tony Yang

2025 GAA, produkto ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ayon kay Senate President Chiz Escudero

Resulta ng collaborative process o pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, kabilang ang publiko, ang 2025 General Appropriations Act (GAA) na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang pahayag ni Senate President Chiz Escudero kasabay ng pag-welcome sa pagsasabatas ng pambansang pondo para sa 2025. Ayon kay Escudero, ang naging masusing rebyu sa national… Continue reading 2025 GAA, produkto ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ayon kay Senate President Chiz Escudero

Senate Blue Ribbon Committee, binida ang mga pagdinig na bumusisi sa ilang mahalagang isyu ng bansa ngayong 2024

Pinahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Senadora Pia Cayetano na pinamalas ng kanyang kumite ang commitment sa transparency, accountability, at good governance ngayong 2024. Matatandang Enero ng taong ito, 2024, napili si Senadora Pia bilang pinuno ng Blue Ribbon Committee kapalit ni Senate Majority Leader Francis Tolentino. Kabilang sa mga isyung binusisi ng kumite… Continue reading Senate Blue Ribbon Committee, binida ang mga pagdinig na bumusisi sa ilang mahalagang isyu ng bansa ngayong 2024