6-km danger zone sa paligid ng Bulkang Kanlaon, planong suyurin ng PNP — NDRRMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsumite na ng plano ang Philippine National Police (PNP) para suyurin ang 6 kilometer danger zone sa paligid ng Bulkang Kanlaon

Ito ay para ilikas ang mga nalalabing residente sa paligid ng bulkan na ayaw umalis ng kanilang mga tahanan, sa takot na malimas ang kanilang mga ari-arian.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipatutupad din ng PNP ang No Human Activity sa loob ng 6km danger zone.

Gayunman, sinabi ng NDRRMC, papayagan lamang ang mga residente na mabisita ang kanilang mga taniman sa umaga subalit kinakailangan nilang bumalik sa evacuation area sa gabi.

Samantala, iniulat din ng NDRRMC na humiling na ang Task Force Kanlaon sa National Inter-Agency Coordinating Cell (IACC) ng karagdagang suplay ng ayuda, para ipamahagi sa mga apektadong residente dahil sa nagkukulang na ito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us