80 sugatan dahil sa paggamit ng BOGA ayon sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa 80 ang naitalang nasugatan dahil sa paggamit ng BOGA o improvised canon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, Police Brigadier Jean Fajardo, karamihan sa mga biktima ay pawang mga bata kung saan nasugatan ang mga ito sa mukha.

Dahil dito, mahigit 7,000 boga na ang nakumpiska ng PNP sa patuloy na kampanya kontra iligal na paputok.

Kaya muling nananawagan ang PNP sa mga magulang, na bantayan ang kanilang mga anak upang maiwasan ang mga insidente kaugnay ng paputok. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us