Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

AAA strategy ng NCRPO, susi sa mga matagumpay na operasyon nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na naging daan sa matagumpay na operasyon ng pulisya ang “AAA” program na inilunsad mula nang maupong Acting Regional Director ng NCRPO si Police Brigadier General Anthony A. Aberin. 

Naging malaking pagbabago sa kapayapaan at seguridad ang programang AAA, kung saan ang konsepto nito ay paglingon sa “back to basics” sa pagsugpo at paglutas ng krimen. 

Sa nasabing stratehiya, prayoridad ang walang humpay, agresibo at makataong kampanya laban sa iligal na droga, wanted sa batas, hindi lisensiyadong baril, iligal na sugal at mga simpleng krimen. 

Sa usapin ng droga, mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 15, umabot sa 889 drug suspects ang naaresto sa isinagawang 589 drug operations kung saan umabot sa P59 milyong halaga ng droga ang nakumpiska. 

Umabot naman sa 1,111 katao ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest mula sa iba’t ibang korte ng bansa. Nasa 498 sa mga naaresto ay pawang tinaguriang most wanted. 

Naaresto ng mga tauhan ng NCRPO ang 154 suspek na nakumpiskahan ng 166 hindi lisensiyadong baril habang sa pinakahuling operasyon ng Regional Special Operations Group ay nagresulta sa pagkakumpsika ng matataas na kalibre ng baril, at naaresto rin ang mga manufacturer at retailer ng mga nasabing baril. 

Samantalang sa iligal na sugal, 1,886 katao ang naaresto kung saan P357,865 halaga ang nakumpiska bilang ebidensiya. 

Tuloy-tuloy ang operasyon ng NCRPO sa ilalim ng mga programang ipinatutupad kasama ang mga lokal na ordinansa sa Kamaynilaan, kung saan umabot sa 127,242 katao ang naaresto dahil sa paglabag.

Mas bumaba ayon sa NCRPO, ang bilang ng krimen nang maitalaga si Aberin sa posisyon at mailunsad ang “AAA” scheme. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us