Personal na binisita ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga AFP frontline unit bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-89 na Anibersaryo.
Kabilang sa mga binisita ni Gen. Brawner ang Special Operations Command (SOCOM), Special Forces Regiment (Airborne) [SFRA], Light Reaction Regiment (LRR), Army Aviation Regiment (AvnR), Army Artillery Regiment (AAR).
Gayundin ang 7th Infantry “Kaugnay” Division (7ID), Installation Management Command (IMCOM), at First Scout Ranger Regiment (FSRR).
Kasunod nito, pinapurihan ni Gen. Brawner ang dedikasyon at sakripisyo ng mga Sundalo, lalo na ang mga naka-deploy ngayong panahon ng kapaskuhan.
Binigyang-diin niya ang patuloy na pagsisikap ng AFP na itaas ang morale at tiyakin ang kapakanan ng kanilang mga tauhan. | ulat ni Jaymark Dagala