Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na may nakatakdang pagbabago sa hanay ng mga matataas na opisyal ng PNP.
Ayon kay Fajardo, inaasahan na sa mga darating na araw ay magkakaroon ng reshuffle upang mapunan ang mga bakanteng posisyon na iniwan ng mga nagretiro nang opisyal.
Kahapon ay isinagawa na ang retirement honors para kay Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General John Dubria, ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng PNP.
Dagdag pa ni Fajardo, nananatiling bakante ang ilang mahahalagang posisyon sa PNP, kabilang na ang director ng Directorate for Information and Communications Technology at ang director ng Anti-Cybercrime Group.
Bukod dito, inaasahan ding mababakante ang posisyon ng director ng Headquarters Support Service dahil nalalapit na rin ang pagreretiro nito. | ulat ni Diane Lear