Dagsa na ang mga namimili ng prutas sa Pasig City Mega Market ilang oras na lamang bago tuluyang pumasok ang 2025.
Pero sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, maging ang mga nagtitinda ng gulay ay mayroon na ring itinitindang prutas, dahilan upang magkaroon pa ng kumpetisyon sa mga may puwesto na sa prutasan dito.
Idagdag na rin diyan ang naranasang pag-ulan subalit umaasa ang mga nagtitinda na gaganda ang kanilang benta hanggang ngayong tanghali kasabay ng pagbuti ng panahon.
Para sa presyo ng mga prutas sa Pasig City Mega Market:
Fuji Apple – P30 kada piraso
Peras – P30 kada piraso
Red Grapes – P160 per kilo
Longgan – P200 per kilo
Kiwi – P35 kada piraso
Lemon – P15 kada piraso
Piña – P50 kada piraso
Pakwan – P150 kada piraso
| ulat ni Jaymark Dagala