BI port personnel buong pwersang magtatrabaho ngayong holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Buong pwersa ang Bureau of Immigration (BI) port personnel ngayong Kapaskuhan, para siguraduhing maayos ang biyahe ng libu-libong pasahero sa mga paliparan, at iba pang port of entry and exit sa buong bansa.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, naka-deploy na ang mga frontline personnel ng ahensya sa Ninoy Aquino International Airport, pati na sa mga paliparan sa Clark, Mactan, Davao, at Kalibo, gayundin sa Zamboanga International Seaport.

Simula Disyembte 15 hanggang Enero 15, ipapatupad ng BI ang leave ban sa lahat ng port personnel nito upang matiyak na sapat ang manpower sa kasagsagan ng holiday rush.

Dagdag pa ni Viado, naka-deploy na rin ang mahigit 30 karagdagang BI officers upang tumulong sa frontline operations, habang nakapwesto na rin ang mobile counters para mapabilis ang proseso ng mga pasahero.

Inaasahan ng BI ang pagdagsa ng halos sa 110,000 biyahero ngayong holiday season. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us