Tumaas pa ang bilang ng mga pamilya na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Kanlaon sa Negros.
Batay sa huling ulat ng DSWD Western Visayas, may 7,144 pamilya o 21,862 indibidwal ang apektado mula sa 21 barangay ng pitong lugar sa paligid ng bulkan.
Ito ay ang Bago City, La Castillana, Moises Padilla, La Carlota City, Murcia, San Carlos City at Pontevedra.
Sa kabuuang bilang, 2,672 pamilya o 8,408 katao ang nasa 22 evacuation center habang ang iba ay nakatira sa kani kanilang kaanak.
Hanggang kahapon ng hapon, nakapaghatid na ng P31,269,563 halaga ng humanitarian assistance ang DSWD, LGUs at NGOs sa mga apektadong pamilya.
Pagtiyak pa ng DSWD na mayroon pang available resources ang ahensya na aabot sa P124,759,134.17. | ulat ni Rey Ferrer