Byahe pa-Bicol sa isang terminal sa Cubao, fully booked sa kabila ng matinding trapiko sa Andaya Highway sa CamSur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy na ang dating ng mga pasaherong nais magsiuwian ngayong Holiday Season sa terminal ng Superlines sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa dispatcher ng bus company, fully booked na ang byahe pa-Camarines Sur hanggang sa December 29 habang puno na rin ang reservation sa mga byaheng pa-Camarines Norte hanggang sa December 30.

Sa ngayon, nagkakaroon lang ng delay sa byahe ng ilang bus dahil sa matinding trapiko sa Andaya Highway sa Camarines Sur.

Ang dati nga raw na siyam hanggang 10 oras lang na byahe, umaabot ng higit 20-oras ngayon dahil sa mabigat na trapiko.

Ang ilang pasahero sa terminal, nabalitaan na rin daw ang trapiko sa naturang kalsada kaya naghanda na ng maraming baong pagkain at tubig.

Wala namang problema sa paghihintay ang ilang pasahero basta makauwi raw ngayong Holiday Season.

Nagpadala na rin ng mga tauhan ang Land Transportation Office (LTO) sa lugar para tumulong sa pagsasaayos ng trapiko doon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us