Muling hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na salubungin ng ligtas ang Bagong Taong 2025 sa pamamagitan ng hindi paggamit ng mga iligal na paputok.
Kasbay nito, naglabas ng listahan ang Police Regional Office-3 o Central Luzon PNP ng mga lugar kung saan lamang maaaring magsindi ng mga ligal na paputok para sa Media Noche mamayang gabi.
Ayon kay PRO-3 Director, Police Brig. Gen. Red Maranan, aabot sa 261 community firecracker zones ang itinalaga sa buong rehiyon.
Nasa 85 rito ay mula sa Bulacan, 40 sa Zambales, 64 sa Tarlac, 28 sa Nueva Ecija, 24 sa Pampanga; 15 sa Aurora, at 5 sa Bataan.
Bukod sa firecracker zone, may 133 lugar din sa rehiyon ang itinalagang fireworks display areas .
Nasa 46 dito ay sa Bulacan, 27 sa Zambales at Nueva Ecija; 15 sa Pampanga bukod pa sa 2 lugar sa Angeles City, at 9 sa Tarlac.
Pero kasabay nito, pinayuhan ni Maranan ang kanilang nasasakupan na hangga’t maaari ay salubungin na lamang ang Bagong Taon sa mas ligtas na pamamaraan. | ulat ni Jaymark Dagala