Sinuyod ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry ang ilang wet markets at grocery stores sa Guadalupe, Makati City.
Nais ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na matiyak ang sapat na suplay at makatwirang presyo ng Noche Buena items at agricultural preoducts sa pamilihan ngayong kapaskuhan.
Sa kanilang inspection, nakitaan ng pagtaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin, partikular ang manok at baboy.
Maging ang Noche Buena items ay tumaas din ng humigit-kumulang 5% kahit na wala nang inaasahang pagtaas ng presyo bago matapos ang taon.
Tiniyak ng kalihim sa publiko na paiimbestigahan ang usapin at ipatawag ang mga vendor para sa paglilinaw.
Naglagay din sa pamilihan ng Noche Buena Price Guide ang DTI para makatulong sa mga consumers sa kanilang pamimili ngayong holiday season. | ulat ni Rey Ferrer