DILG, PNP, all systems go na sa pagdiriwang ng holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na “all systems go” at “all hands on deck” na ito para sa mapayapang pagdiriwang ng holiday season.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, na ito ang tiniyak ni DILG Secretary Jonvic Remulla kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa naganap na National Peace and Order Council Meeting sa Camp Crame ngayong Huwebes.

Sinabi rin ni Fajardo na ang naganap na pulong ay hindi loyalty check ngunit ito ay bahagi ng hakbang ng Pangulo, upang madinig mula sa mga pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan ang tunay na sitwasyon ng bansa sa usapin ng krimen, gayundin ang ginagawang paghahanda sa holiday season at paparating sa eleksyon.

Nauna rito sinabi ng PNP na mahigit 41,000 na mga pulis ang ipakakalat sa buong bansa ngayong holiday season, at simula sa December 15 ay wala ng papayagan na mag-leave na mga pulis, maliban na lamang kung emergency ang dahilan.

Layon nitong matiyak na may sapat na bilang na pulis ang ide-deploy ngayong holiday season. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us