DSWD at Ministry of Social Services ng BARMM, lumagda sa 1st Disaster Protocol Agreement

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilagdaan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Ministry of Social Services and Development of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa isang disaster preparedness and response protocol.

Sinabi ni DSWD Undersecretary Diana Rose Cajipe, ang nasabing kasunduan ay naglalayong magkaroon ng legal framework para sa mas maayos na gawain para sa disaster response sa BARMM.

Kasama na dito ang pagbibigay ng mga kinakailangang tulong sa panahon ng kalamidad.

Kabilang din sa framework agreement ang proseso para sa request ng family food packs at mga non-food item mula sa DSWD Central Office at Field Offices 9, 10, at 12.

Kampante si Usec. Cajipe, na ang kasunduang ito ay magpapatibay sa partnership ng dalawang ahensya habang patuloy na naglilingkod sa mamamayan.

Tiniyak naman ni MSSD-BARMM Minister Raissa Jajurie ang maayos na pakikipagtulungan sa DSWD.

Bukod aniya, sa disaster response, kanila ding tinitingnan ang human rights-based concerns ng mga maaaring maapektuhan ng human-induced o natural disasters. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us