DSWD chief, nanawagan ng donasyon at volunteers para sa “Walang Gutom Kitchen”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga restaurant at fast food, na mag donate ng mga pagkain para sa bagong bukas na Walang Gutom Kitchen sa Pasay City.

Sa kanyang video message sa DSWD Facebook page, umapela din ang kalihim sa mga indibidwal na handang magboluntaryo sa proyekto.

Inilunsad noong Disyembre 16, ang Walang Gutom Kitchen, ang pinakabagong programa ng DSWD na nag-aalok ng holistic solutions sa mga walang tirahan at nagugutom.

Kabilang sa mga kliyente ng Walang Gutom Kitchen ay mga bata, pamilya at indibidwal na nakatira sa kalsada, at mga mahihirap na Pilipinong nakakaranas ng kagutuman.

Bukod sa pagtugon sa involuntary hunger, sinabi ni Secretary Gatchalian na maiiwasan din ng kusina ang pag-aaksaya ng pagkain.

Inanunsyo din nito na magbubukas ang ahensya ng mas maraming soup kitchen sa buong bansa upang maisakatuparan ang bisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang gutom na Pilipinas.

Sa kasalukuyan, nagbigay ang Nestle Philippines ng 300 pieces ng 1 kg. packs ng powdered chocolate habang ang Bossing Nation ay nag-donate naman ng 5 kahon ng dishwashing liquid. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us