Kaisa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paghahanda para sa taunang Nationwide Gift Giving Activity, “Balik Sigla, Bigay Saya,” ng Office of the President.
Sa tulong ng mga tauhan ng DSWD, naipadala na ang mga regalo na ipapamahagi sa mga bata sa ibat ibang rehiyon kabilang Regions 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), 8 (Eastern Visayas), 9 (Zamboanga Peninsula), 10 (Northern Mindanao), 11 (Davao Region), 12 (SOCCSKSARGEN), at Caraga.
Kabilang sa mga regalo trolley bags, raincoats, tuwalya, mga unan (na maaaring kulayan), limang pares ng medyas, tumblers, at mga relo.
Layon ng inisyatibong ito na maghatid ng kasiyahan, pag-asa, at diwa ng kapaskuhan sa mga batang nangangailangan kabilang ang mga nasa residential care facilities (CRCFs) na pinamamahalaan ng DSWD, gayundin mula sa mga pribadong Social Welfare Agencies (SWADAs). | ulat ni Merry Ann Bastasa