DSWD, tuloy-tuloy pa ang paghahatid ng dagdag na tulong sa mga sinalanta ng mga bagyo sa Bicol region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinutukan pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga lugar sa Bicol Region na grabeng naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Ayon sa DSWD, naghatid pa ng karagdagang tulong ang ahensya sa mga apektadong pamilya bilang suporta para makabangon ang kanilang kabuhayan.

Kabilang sa pinagkalooban ng family food packs ang mga pamilya sa Barangay Daguit, Labo, Camarines Norte.

Hinatiran din ng tulong ang mga apektadong Barangay sa Munisipalidad ng Bula at Del Gallego sa Camarines Sur at Gubat sa Sorsogon.

Nauna nang ipinangako ng DSWD, na magpapatuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya hanggat hindi pa nakakarekober sa nagdaang kalamidad. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us