DSWD, tumulong sa paglalagay ng community kitchens sa Canlaon City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa rin ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Negros na tumulong rin sa pagse-setup ng community kitchens sa internally displaced persons (IDPs) na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa DSWD, ilan ding IDPs ang nagboluntaryong tumulong gaya ng isang residente na nagsilbing cook para sa mga kapwa evacuee na nanunuluyan sa Camp 2 sa Jose B. Cardenas Memorial High School – Uptown Campus.

Samantala, inihayag naman ni DSWD FO-7 Regional Director Shalaine Lucero na mas pinaigting ng ahensya ang disaster response sa mga naapektuhang pamilya.

Kasama sa tinitiyak ang sapat na suplay para sa evacuees na tatagal ng 20 araw.

“The Department has taken proactive measures to ensure that the IDPs in the evacuation centers will have supplies that will last for 20 days. Moreover, we are also ready to give more assistance if the operation is extended,” sabi ni Director Lucero.

Sa Western Visayas Region, tuloy-tuloy rin ang pamamahagi ng disaster response teams ng DSWD FO-6, ng FFPs sa mga pamilyang patuloy na nagkakanlong sa evacuation centers sa Bago City at La Carlota City sa Negros Occidental. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us