Ipinatutupad na ang emergency evacuation upang masiguro ang kaligtasan ng mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, iniutos na ni Defense Secretary at NDRRMC Chairman Gilberto Teodoro, Jr. na agarang tulungan at ilikas ang mga apektadong residente upang maiwasan ang casualty.
Inilikas na ang mga residenteng nasa loob ng anim na kilometrong danger zone, kabilang ang tinatayang 12,000 pamilya o 54,000 indibidwal mula sa Regions 6 at 7.
Sinabi naman ni Asec. Alejandro na ipinatutupad din ang contingency plans sa mga evacuation center upang maging maayos ang operasyon.
Patuloy din ang koordinasyon ng OCD at mga lokal na awtoridad upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng residente sa mga apektadong lugar.| ulat ni Diane Lear