Pinangunahan ni Government Service Insurance System (GSIS) ang quadripartite meeting kung saan nagsama-sama ang mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ng Quezon City Local Government Unit (LGU).
Dito pinag usapan ang nagawa patungkol sa Project HUB proposal, kabilang ang mga susunod na hakbang para sa taong 2025.
Ang Project HUB ay ang proposed intermodal transport facility na inaasahang itatayo sa 3-hectare GSIS property sa Quezon City sa 2026.
Ito ay isang direktiba mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na unahin ang mga innovative infrastructure solutions para ma-address ang lumalalang traffic sa Metro Manila at ayusin ang connectivity o pagkaka dugtong dugtong ng mga lugar.
Ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso base sa direktiba ng Pangulong Marcos Jr., mayroong kakaibang pagkakataon ang nasabing mga ahensya ng pamahalaan na baguhin ang lupain ng gsis at gawin itang isang transportation hub na magiging malaking tulong sa publiko. | ulat ni Lorenz Tanjoco