Malaki pa rin ang bilang ng evacuees sa Negros kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot pa sa higit 4,000 pamilya ang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng pagputok ng bulkan.
Katumbas pa ito ng 14,455 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa 32 evacuation centers.
Kaugnay nito, nasa 44,000 indibidwal na ang naitala ng DSWD na apektado ng Mt. Kanlaon eruption.
Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado na nakapaghatid na ng ₱35.6-milyong halaga ng humanitarian assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa