Nabawasan na ang bilang ng evacuees sa Visayas kasunod ng mga pag-ulang dulot ng shear line.
Sa pinakahuling datos mula sa DSWD, bumaba na sa higit 900 pamilya ang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng mga pag-ulan.
Katumbas pa ito ng 2,706 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa 14 na evacuation centers.
Kaugnay nito, nasa 219,000 indibidwal na ang naitala ng DSWD na apektado ng shear line.
Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado, na nakapaghatid na ng P4 milyon halaga ng humanitarian assistance. | ulat ni Marry Ann Bastasa