Nakapagtala na ang DSWD ng inisyal na 177 pamilya o 832 indibidwal na apektado ng Bagyong Querubin.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Northern Mindanao at Davao region.
Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of Dec. 24, mayroong apat na pamilya o katumbas ng 16 indibidwal ang pansamantalang inilikas sa evacuation center.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DSWD na sapat ang pondo nito para umayuda sa mga apektado ng pag-ulan.
Sa kasalukuyan, mayroon pang P2-B ang hawak na relief resources ng ahensya kanilang ang stockpile ng food at nonfood items pati na standby funds. | ulat ni Merry Ann Bastasa