Higit isang milyong halaga ng pinsala sa agri sector, naitala ng DA kasunod ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa halos ₱1.4-million ang inisyal na halaga ng pinasalang natamo ng agricultural sector dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), nasa 21 ektarya ng mga pananim ng palay, mais at high value crops ang naapektuhan na may katumbas na 49 metriko tonelada.

Pinaka-apektado ang rice sector na nasa 16 ektarya ang napinsala na may katumbas na halagang ₱600-million.

Kaugnay nito, puspusan naman ang ginagawang hakbang ng DA para matugunan ang epekto ng pagputok ng bulkan sa agricultural sector.

Kabilang dito ang pagtukoy sa interventions sa mga magsasakang apektado gaya ng pamamahagi ng farm inputs.

Pinakilos na rin ang DA Negros Occidental Research Outreach Station (DA-NOROS) sa La Carlota City para imonitor ang mga inilikas na livestock animals.

Nakahanda na rin ang Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga nasirang pananim gayundin ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us