Ilang kalsada sa Makati City, isinara para sa isasagawang New Year’s Eve Countdown

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang mga kalsada ang isinara sa Makati City Central Business District upang bigyang daan ang isasagawang New Year’s Eve Countdown to 2025 sa kahabaan ng Ayala Avenue.

Batay sa abiso ng Lokal na Pamahalaan ng Makati, kabilang sa mga isinarang kalsada simula ngayong araw ang bahagi ng Ayala Avenue, Paseo de Roxas at Makati Avenue.

Mananatili itong nakasara hanggang sa Huwebes, January 2 ng alas-4 ng umaga para sa isasagawa post-event clean up.

Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 35,000 pulis sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa New Year festivities.

Pinapaalalahanan ang publiko na planuhin ang biyahe at iwasan ang mga apektadong kalsada habang isinasagawa ang aktibidad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us