Nasa 297 ektarya ng agricultural areas sa Negros Island ang apektado na ng pagputok ng bulkang Kanlaon.
Sa tala ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Department, nasa 780 magsasaka ang naapektuhan at 832 metric tons ng agricultural products ang hindi na napakinabangan.
Sa kabuuan, umabot na sa P32.34 milyon ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa pananim na palay, mais, high value crops at livestock.
Asahan pa umano ang karagdagang pinsala at pagkalugi habang patuloy pa ang assessment na ginagawa sa na apektado ng Kanlaon Volcanic Activity. | ulat ni Rey Ferrer