Magkahiwalay na insidente ng pamamaril ng pulis sa Negros Occidental at North Cotabato, iniimbestigahan na ng PNP-IAS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) Internal Affairs Service (IAS) ang motu proprio investigation sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng mga pulis ngayong holiday season.

Ang unang insidente ay naganap noong Pasko sa Pulupandan, Negros Occidental, kung saan sangkot si PCpl. Armin Alanza ng 604th Regional Mobile Forces Battalion.

Batay sa imbestigasyon, nag-ugat ang insidente sa pagtatalo matapos sitahin ng suspek ang mga biktima kaugnay ng pagbili ng alak. Napatay sa insidente ang isang 21-taong gulang na construction worker habang sugatan ang kanyang 52-taong gulang na ama.

Samantala, noong December 28 sa Makilala, Cotabato, binaril ni PCpl. Alfred Sabas ang kapwa pasahero sa bus na si Reynaldo Bigno Jr., isang security guard.

Batay sa ulat, nagtalo muna si Sabas at ang kanyang asawa sa loob ng bus bago naibaling ng suspek ang galit sa bagong sakay na biktima.

Nasugatan din sa insidente ang dalawang pulis sa isang checkpoint, matapos magpasaklolo ang driver ng bus na nagresulta sa palitan ng putok ng dalawang panig.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, hindi kukunsintihin ng IAS ang ano mang paglabag ng mga nasangkot na pulis. Aniya, parehong nahuli ang dalawang suspek at mahaharap sa mga kaso. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us