Mahigit 900 special permits para sa Pasko, Bagong Taon, inaprubahan ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit 900 special permits para sa mga pampublikong sasakyan bilang bahagi ng paghahanda sa Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, mula sa 988 aplikante, 956 units ang nakakuha ng permit. Layunin nito na dagdagan ang mga pampublikong sasakyang puwedeng bumiyahe sa mga lugar na maraming commuter ngayong holiday season, bukod pa sa regular nilang ruta.

Simula bukas, Disyembre 20, 2024, magiging epektibo ang mga special permit na ito hanggang Enero 10, 2025. Iginiit ni Guadiz na mahalaga ang mga permit upang masiguro ang sapat na pampublikong transportasyon at maayos na serbisyo para sa mga pasahero sa gitna ng holiday rush.

Pinayuhan din niya ang mga bus operator na tiyaking ligtas at maayos ang kondisyon ng kanilang mga sasakyan, at panatilihin ang kaayusan at kaginhawaan sa mga terminal. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us