Mahigit P43-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEG noong Nobyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa mahigit P43.9 milyon ang halaga ng iligal na droga na nasamsam ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) sa pinaigting nitong kampanya laban sa iligal na droga noong Nobyembre.

Ayon kay PDEG Director Police Brigadier General Eleazar Matta, nakapagsagawa ang grupo ng 62 operasyon noong Nobyembre.

Kabilang dito ang 36 na buybust operation, limang search warrant implementation, tatlong marijuana eradications, 17 arrest of wanted person at isang drug interdiction.

Sa mga operasyon, nakumpiska ang halos 5,000 gramo ng shabu, 230 ml ng marijuana oil, at 46,800 fully grown marijuana plants na nagkakahaga ng mahigit P43.9 milyon.

Pinuri ni Matta ang dedikasyon ng kanyang mga tauhan sa matagumpay na kampanya kontra iligal na droga.

Tiniyak ng PDEG na patuloy ang kanilang mga operasyon para sugpuin ang iligal na droga habang pinahahalagahan ang karapatang pantao, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us