Naglabas ng babala ang PAGASA kaugnay ng inaasahang malalakas na pag-ulan dulot ng Shear Line at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Ayon sa Weather Advisory No. 58 na inilabas ngayong December 30, 2024, apektado ngayong araw ang Cagayan, Apayao, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Palawan, Sorsogon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Negros Oriental, Siquijor, at Dinagat Islands.
Ang inaasahang dami ng ulan ay nasa katamtaman hanggang malakas (50-100 mm).
Bukas, magpapatuloy ang malalakas na ulan sa Eastern Samar, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.
Samantala, sa Miyerkules, January 1, maaapektuhan din ang Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Albay, Sorsogon, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.
Pinapaalalahanan ang publiko, lalo na ang mga nakatira sa bulubunduking lugar, na maghanda laban sa posibleng pagbaha at landslide. Patuloy ding hinihikayat ang lahat na bantayan ang susunod na advisory ng PAGASA na ilalabas mamayang alas-11 ng umaga. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | Radyo Pilipinas Albay
📸 PAGASA