MARINA, tiniyak na dadaan sa kanilang pagsusuri ang mga pampasaherong barko ngayong Holiday Season 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang pag-iinspeksyon sa mga passenger vessel na bibyahe ngayong Holiday Season. 

Sinabi ni MARINA Enforcement Service Director Engr. Ronald Bandalaria, standard operating procedure na sa kanila ang pagsusuri ng mga barko sa ganitong mga panahon. 

Nais kasi nilang matiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga barko upang masiguro ang kaligtasan ng mga mananakay. 

Nagpaalala din ang MARINA sa mga shipping companies na sundin ang itinakda na bilang ng mga pasahero upang maiwasan ang overloading na nagiging sanhi ng aksidente. 

Aminado ang MARINA na malaki ang kakulangan ng mga pampasaherong barko sa bansa at halos hindi kinakaya ang bugso ng mga pasahero kung kayat nakikiusap sila sa mga mananakay na planuhin ng maayos ang kanilang magiging byahe. 

Samantala, tiniyak ng MARINA na nasa mga field operation ang kanilang mga Regional Offices ngayong Holiday Season para sa Oplan Byaheng Ayos 2024.
Magiging katuwang nila ang mga kawani ng Philippine Port Authority at Philippine Coast Guard sa pagbabantay para masiguro ang maayos na byahe ng mga mananakay.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us