Mga pasaherong humahabol para makauwi ngayong Pasko, tuloy-tuloy ang dating sa mga terminal sa Cubao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaga pa lang ay marami na ang mga pasaherong nakaabang sa terminal ng Superlines sa Cubao, Quezon City para makauwi sa kani-kanilang probinsya ngayong holiday season.

Ayon sa dispatcher ng bus, kahapon palang ay dagsa na ang mga pasahero dito na pauwing Quezon at Bicol Region.

Kahit nga fully booked na ang karamihan ng biyahe hanggang katapusan ng Disyembre ay marami pa rin ang nagbabakasali na mag-chance passenger o sumakay sa mga ordinary trip na walang reservation.

Kabilang dito si Nanay Merlita na excited nang umuwi dahil hinihintay daw ng mga apo. Paliwanag nito, ngayon lang siya pinayagang mag-leave kaya ngayon lang din nakabiyahe.

Sa ngayon, dahil sa nananatiling mabigat na trapiko pa-Bicol lalo sa Andaya Highway ay nagkakaroon pa rin ng bahagyang delay sa dating ng ilang bus sa terminal sa Cubao.

Kaya naman, humihingi pa rin ng pang-unawa at mahabang pasensya ang Superlines sa mga pasaherong pa-Bicol. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us